-- ADVERTISEMENT --
Nagpahayag ng kahandaan ang Department of Justice (DOJ) na suportahan ang mga testigong haharap sa International Criminal Court (ICC) kaugnay ng kaso laban sa dating Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa war on drugs.
Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, nakipag-ugnayan na ang ICC sa DOJ upang siguruhin ang seguridad ng mga testigo sa ilalim ng Witness Protection Program. Sinabi ni Remulla na tutulong ang pamahalaan upang tiyakin ang kaligtasan at maayos na pagpunta ng mga testigo sa The Hague, Netherlands, para sa pagdinig.
Dagdag pa rito, magbibigay din ang gobyerno ng tulong pinansyal sa mga testigong nangangailangan, lalo na sa mga walang kakayahan sa buhay, upang matulungan silang makadalo at makapagbigay ng pahayag.