-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na maaaring isa o dalawang buwan na lamang ang imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) at maaari na umano nitong i-turnover sa Office of the Ombudsman ang mga nakalap ng komisyon kaugnay ng maanomalayang flood control projects sa bansa.

โ€œTingin ko mga isa, dalawang buwan na lang ‘yan at maaari nang i-turnover sa amin ang kanilang mga trinabaho,โ€ ayon kay Remulla.

Binigyang-diin din niya na hindi forever ang komisyon dahil mayroong batas na bumuo ng opisina nila at active rin ang kanilang hanay.