-- ADVERTISEMENT --

Isang LEGO minifigure na kaugnay ng pelikulang Project Hail Mary (2026) ang nakapagtala ng rekord matapos maipadala sa hangganan ng kalawakan at matagumpay na maibalik sa Earth.

Isinagawa ang proyekto ng Sent Into Space katuwang ang LEGO at production team ng pelikula, gamit ang balloon-powered system na umabot sa 114,790 talampakan (34,988 metro) sa ibabaw ng United Kingdom noong Marso 20.

Tumagal nang mahigit walong oras ang misyon bago ligtas na nakabalik sa lupa ang LEGO set, na itinuturing na pinakamataas na altitude na naabot at narecover ng isang LEGO build.

Bahagi ito ng promotional campaign para sa pelikula na gumamit ng high-altitude balloon na may GPS at camera tracking.