-- ADVERTISEMENT --

Inanunsyo ng Malacañang na ipatutupad ng pamahalaan ang anumang warrant of arrest na ilalabas ng International Criminal Court laban kina Sen. Ronald dela Rosa, Sen. Christopher Bong Go, at iba pang iniuugnay sa kasong crimes against humanity ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Inihain ang mga reklamo noong 2017 habang kasapi pa ang Pilipinas sa ICC. Naaresto si Duterte noong Marso 2025 at dinala sa The Hague upang harapin ang tatlong bilang ng kaso. Kabilang sa tinukoy na mga umano’y kasabwat ang ilang dating matataas na opisyal ng pamahalaan at pulisya.

Sa ngayon, wala pang natatanggap na opisyal na warrant laban sa iba pang personalidad. Nakatakda ang apat na araw na pagdinig para sa confirmation of charges simula Pebrero 23 upang matukoy kung uusad ang kaso sa paglilitis.