-- ADVERTISEMENT --

KALIBO, Aklan — Anim na mga local government units (LGU) sa lalawigan ng Aklan ang na-upgrade sa yellow zone mula sa pink zone ng African Swine Fever (ASF) zoning status.

Ito ay batay sa pinakahuling ASF Zoning status na ipinalabas ng Bureau of Animal Industry (BAI) ng Department of Agriculture (DA).

-- ADVERTISEMENT --

Ang mga ito ay ang bayan ng Banga, Balete, Buruanga, Madalag, Malinao at Nabas na nasa surveillance zone ng ASF.

Ipinaliwanag ni Dr. Ivy Lachica, livestock inspector ng Office of the Provincial Veterinary (OPVET) Aklan, ang naturang mga lugar ay maituturing na high-risk ngunit maaari nang magsimula ng hog repopulation at restocking basta makakasunod sa biosecurity guidelines.

Nananatili namang nasa red zone o mga lugar na may kaso pa rin ng ASF ang mga bayan ng Kalibo, Lezo at Ibajay.

Samantala, ang mga natitirang bayan ay nasa pink zone o buffer zone category.