-- ADVERTISEMENT --

MALAY, Aklan  — Patay ang isang mangingisda makaraang aksidenteng masalpok ng speedboat habang namamana ng isda sa ilalim ng tubig, araw ng Lunes, Setyembre 15, sa karagatang sakop ng Sitio Diniwid Brgy. Balabag sa Isla ng Boracay sa bayan ng Malay, Aklan.

Kinilala ang nasawing bitkima na si Melfred Vicente, 26, at residente ng Brgy. Cubay, Malay, binawian ng buhay sanhi ng matinding sugat sa ulo at iba pang bahagi ng katawan.

Natagpuan na lamang itong wala nang buhay at palutang-lutang sa tubig.

Maaari umanong hindi napansin ng driver ng speedboat ang biktimang nasa ilalim ng tubig at pinapaniwalaang tinamaan ito ng elise na nagbunsod sa insidente.

-- ADVERTISEMENT --

Ang speedboat ay sinasabing pagmamay-ari ng isang hotel sa Boracay.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente, kung saan,  inaalam kung may foul play sa pagkamatay ng biktima.