-- ADVERTISEMENT --

KALIBO, Aklan — Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa banggaan ng dalawang motorsiklo sa bahagi ng diversion road na sakop ng Brgy. Puis, New Washington, araw ng Sabado, Oktubre 25 na ikinamatay ng isa at ikinasugat ng tatlong iba pa.

Sa inisyal na imbestigasyon ng New Washington Municipal Station, nasawi habang ginagamot sa ospital si Cheriline Sulat, 49, samantalang sugatan ang kanyang asawa na driver ng motorsiklo na si Joey Gregorio, 40, kasama ang kanilang 18-anyos na anak na dalaga, pawang mga residente ng Brgy. Linabuan Norte, Kalibo.

-- ADVERTISEMENT --

Kinilala naman ang driver ng nakasalubong na motorsiklo na si Joseric Reyes, sa legal na edad at residente ng Brgy. Mabilo, Kalibo.

Lumalabas sa imbestigasyon na nag-overshoot ang motorsiklo ng mag-pamilya sa pakurbadang bahagi ng kalsada bago bumangga sa kasalubong na motorsiklo.

Nagtamo rin ito ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.