Nagkasundo ang mga bansa sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na palakasin ang koordinasyon upang matiyak ang sapat na suplay ng pagkain at enerhiya sa rehiyon sa gitna ng kaguluhan sa Middle East na nakaapekto sa supply chain at presyo ng langis.
Pinangunahan ni Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro ang espesyal na pulong ng mga foreign minister kung saan tinalakay ang pagpapalakas ng regional connectivity, paghahanda sa enerhiya at pagpapalawak ng pinagkukunan ng enerhiya, kabilang ang renewable at alternatibong enerhiya.
Tinitingnan din ng ASEAN Centre for Energy ang agarang hakbang laban sa pagtaas ng presyo ng langis, habang hinihikayat ang paggamit ng mga mekanismo tulad ng ASEAN Framework Agreement on Petroleum Security, ASEAN Power Grid at Trans-ASEAN Gas Pipeline upang mapalakas ang seguridad sa enerhiya sa rehiyon.













