-- ADVERTISEMENT --

Iginiit ng kampo ni Sara Duterte ang pagtutol sa pagdinig ng House Committee on Justice kaugnay ng impeachment complaints laban sa kanya, dahil umano sa kawalan ng hurisdiksyon ng komite upang magsagawa ng anumang uri ng paglilitis.

Ayon sa depensa, ang kapangyarihang magsagawa ng impeachment trial ay nakalaan lamang sa Senado, habang ang kasalukuyang proseso sa Kamara ay itinuturing nilang parang “mini trial.”

Nagpadala rin ang legal team ng liham sa pamunuan ng komite upang ipahayag ang kanilang posisyon at pagtutol sa mga hakbang na anila’y tila pangangalap ng ebidensya na may pagpapalagay na may umiiral nang kaso.

Ipinahayag ng kampo ni Duterte ang kahandaang sagutin ang mga paratang sa tamang forum, na kanilang tinukoy bilang impeachment court sa Senado, habang nananatiling bukas sa pagdalo sa mga susunod na pagdinig at pagtanggap ng subpoena, na sasailalim pa rin sa kanilang pagsusuri.