-- ADVERTISEMENT --

Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapalawak ng maternity benefits ng PhilHealth na magsisimula sa Abril 30 upang mabawasan ang gastusin ng mga buntis at nanganganak na ina.

Sa ilalim ng bagong benepisyo, itataas sa P29,000 mula P9,759 ang coverage para sa normal delivery.

Para naman sa cesarean delivery, magiging P58,000 hanggang P62,000 na ang sasagutin ng PhilHealth mula sa dating P37,000.

Dodoblehin din ang prenatal care coverage sa walong checkup, kabilang ang bakuna at mga laboratory test.

Sakop na rin ng benepisyo ang tatlong follow-up checkup matapos manganak.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa Pangulo, layunin ng programa na matiyak ang ligtas na panganganak ng bawat ina nang hindi nababahala sa gastusing medikal.