Nagkaisa ang mga lider ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na suportahan ang pagtatatag ng ASEAN Maritime Center sa Pilipinas, ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa 48th ASEAN Summit.
Layon ng panukala na palakasin ang kooperasyon at koordinasyon ng mga bansang kasapi sa mga usaping pandagat, kabilang ang maritime safety at malayang paglalayag sa South China Sea, na mahalagang ruta ng pandaigdigang kalakalan.
Inaasahang magsisilbing sentro ito ng pagtutulungan ng ASEAN laban sa illegal fishing, smuggling, human trafficking, at mas maayos na pagsubaybay sa mga barko sa rehiyon.
Bagama’t may suporta na sa prinsipyo, patuloy pang pag-uusapan ng ASEAN ang detalye ng operasyon, pondo, at organisasyon ng naturang maritime center.













