-- ADVERTISEMENT --

Nag-aalala si Ka Leody de Guzman, kilalang labor leader at chairperson ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino na posibleng maging “pawn” o kasangkapan ang Pilipinas sa tensyon sa pagitan ng Amerika at China, lalo na sa usapin ng West Philippine Sea.

Anya, baka magaya ang Pilipinas sa Ukraine kung lalala ang girian ng U.S. at China.

Binanggit din niya na maaaring gamitin ng Amerika ang Mutual Defense Treaty upang makapasok sa isang mas malaking sigalot sa rehiyon.

Dagdag pa nito na hindi lang China ang dapat bantayan kundi pati Estados Unidos, at dapat magkaroon ang Pilipinas ng “independent foreign policy.”

Ayaw umano niyang maging “pawn” o laruan lamang ang bansa ng malalaking kapangyarihan.

-- ADVERTISEMENT --