-- ADVERTISEMENT --

SHENZHEN, CHINA — Nagtungo sa Shenzhen, China si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Miyerkules, Nobyembre 18, upang dumalo sa ika-33 Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Meeting.

Ayon sa Pangulo, layunin ng kanyang paglahok na palakasin ang ugnayang pangkalakalan, makahikayat ng mga dayuhang mamumuhunan, at magbukas ng mas maraming oportunidad para sa mga produktong Pilipino at manggagawang Filipino.

Tatalakayin din sa pagpupulong ang digital transformation at pagpapalawak ng kooperasyon sa mga bansang kasapi ng APEC.

Sa temang “Building an Asia-Pacific Community to Prosper Together,” inaasahang magbibigay ang summit ng mga konkretong hakbang para sa paglago ng ekonomiya at mas matibay na ugnayan sa rehiyon.

Kasama ng Pangulo sa pagbisita si First Lady Liza Marcos at ilang matataas na opisyal ng pamahalaan.

-- ADVERTISEMENT --