Pinabulaanan ng Department of National Defense (DND) ang pahayag ng China na umano’y palabas lamang ang lehitimong operasyon ng Pilipinas sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.
Iginiit ng ahensya na ang mga aktibidad ng Pilipinas sa lugar ay naaayon sa batas internasyonal at bahagi ng paggamit ng soberanong karapatan ng bansa. Binanggit din ang patuloy na pangha-harass ng puwersang pandagat ng China sa mga Pilipinong mangingisda sa kanilang tradisyunal na pangisdaan.
Naitala rin ang paghamon sa radyo ng mga yunit ng militar ng China sa isang air patrol ng Philippine Coast Guard habang nagsasagawa ng operasyon sa lugar.
Tinukoy ng DND na ang transparency strategy ng Pilipinas ay naglalayong ilahad ang tunay na sitwasyon sa West Philippine Sea, kabilang ang mga ilegal at agresibong gawain ng China. Ayon sa ahensya, ang mga pangyayaring ito ay patuloy na idinodokumento at ipinapaalam sa publiko.













