-- ADVERTISEMENT --

MALAY, Aklan — Nakikipag-ugnayan na ang Malay-Boracay Tourism Office sa mga accomodation establishments kaugnay sa inihahandang mga aktibidad para sa kani-kanilang mga guest para sa darating na Halloween party.

Ayon kay Kathrine Licerio, tagapagsalita ng nasabing tanggapan, hindi na naghanda ang lokal na pamahalaan ng party na pang-Halloween dahil nataon na naturang araw sa gaganaping mga aktibidad ngayong Oktobre at isa sa mga highlights ay ang white beach festival.

-- ADVERTISEMENT --

Taun-taon umanong naghahanda ng mga pakulo ang ilang mga establisyimento sa Boracay para sa mga bisitang itinataon ang kanilang bakasyon sa Undas na natiempo ngayong taon sa long weekend.

Dahil dito, inaasahang tataas na naman ang tourist arrival para sa naturang mga araw.