-- ADVERTISEMENT --

May karapatan ang mg amamimili pumili ng may kalidad at maaasahang produkto sa mababang presyo.

Ito ang ipinaalala ng Department of Trade and Industry o DTI lalo na sa nalalapit na holiday season kung saan kaliwa’t-kanan ang inaalok na promo sale ng mga establisyimento.

Kaugnay nito, pinaalala ni Pamela Roldan, unit head consumer protection unit DTI-Aklan  na mag-canvass muna sa iba bago bilhin ang nagugustuhang produkto.

Ayon sa kantya, may produkto na may kamahalan ang presyo samantalang sa iba ay mura ngunit pareho ang kanilang kalidad dahilan na maging mapanuri sa bawat bibilhin na produkto upang hindi masayang ang pera.

Maliban dito, may karapatan ang lahat na magkaroon nga eksakto at de-kalidad na produkto ng mga manufacturer dahilan na kailangan lamang na huwag magmadali sa pag-susuri upang hindi maisahan sa mura o mahal man na presyo nito.

-- ADVERTISEMENT --