-- ADVERTISEMENT --

KALIBO, Aklan —  Patay ang isang pitong-taong-gulang na batang lalaki matapos malaglag sa isang ginagawang septic tank sa likod ng mismo ng kanilang bahay sa Brgy. Ibao, Lezo, araw ng Miyerkules, Pebrero 11, 2026.

Base sa report, ang biktima ay isang Grade 2 student at residente ng nasabing lugar.

Nahanap ng kanyang pamilya ang bata sa ilalim ng hukay na ginagawang septic tank, kung saan, napuno ito ng tubig matapos mapansin na nawawala nang ilang oras.

Nang makita ang nakalutang na tsinelas ng bata sa tubig, sinisid ang hukay na may lalim na nasa 4 feet at dito na natagpuan ang biktima.   

-- ADVERTISEMENT --

Naisugod pa ito sa ospital, subalit idineklarang dead on arrival ng sumuring doktor.

Sinasabing pagkalunod ang ikinamatay ng bata.

Dahil sa nangyaring insidente,  minabuti ng pamilya na muling tambakan ang naturang hukay.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa pangyayari.