-- ADVERTISEMENT --

BORACAY, Island — Personal na ipinamahagi ni Police Brig. Gen. Josefino Ligan, hepe ng Police Regional Office-6 (PRO-6) kasama si Police Colonel Arnel B. Ramos, Provincial Director of Aklan Police Provincial Office ang mga 911 emergency cards sa mga residente, negosyante at mga turista sa isla ng Boracay na isa sa mga tanyag na destinasyon sa lalawigan ng Aklan, buong bansa at maging sa buong mundo.

Sa kaniyang unang opisyal na pagbisita sa isla, binigyang-diin ni Ligan ang kahalagahan ng mabilis na pagtugon ng mga pulis na may pangakong makakarating ang mga ito sa loob ng limang minuto matapos tumawag sa 911.

Nakipagpulong din si Ligan sa mga lokal na opisyal ng pulisya upang tiyakin ang kahandaan at epektibong operasyon ng kapulisan lalo na matapos ang ilang kaso ng karahasan sa isla.