-- ADVERTISEMENT --
Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa motibo ng 20-anyos na dalagang nursing student sa pagtalon sa Agus Bridge sa Barangay Maria Cristina sa Iligan City sa Lanao del Norte.
Natagpuang palutang-lutang na sa dagat sa Manticao, Misamis Oriental ang dalaga ng isang mangingisda.
Base sa report, Hulyo 10, 2025 nang huling nakitang buhay ang biktima habang nakasakay sa isang motorsiklo.
Sa imbestigasyon ng pulisya, tumalon umano ang biktima sa naturang tulay at wala raw nakikitang foul play sa kaniyang pagkamatay.
-- ADVERTISEMENT --
Hindi rin nakitaan ng anumang sugat at pagmamaltrato ang bangkay ng biktima nang suriin ito ng mga awtoridad.
Dinala sa Galeon Funeral Homes ang biktima sa bayan pa rin ng Manticao habang hinihintay ang kaniyang mga kaanak.