-- ADVERTISEMENT --

Naghihintay ang Commission on Elections (Comelec) ng pormal na deklarasyon mula sa House of Representatives (HOR) kaugnay ng pagbakante ng puwesto ni Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co upang makapagsagawa ng proklamasyon para sa kanyang kapalit.

Batay sa listahan ng AKB nominees, si Jan Franz Almario Chan ang inaasahang papalit kay Co, na nagbitiw kasunod ng mga alegasyon ng katiwalian sa mga flood control project. Nakakuha ng dalawang puwesto sa Kamara ang AKB matapos makuha ang mahigit 1 milyong boto noong 2025 elections.

Samantala, iniulat ng Comelec na walang kumpirmadong campaign donor na kumpanya sa SOCE ni Co noong 2022 elections. Wala pa ring sagot mula sa DPWH sa hiling ng Comelec na tukuyin ang mga kontratistang maaaring nag-donate sa mga kandidato at kasalukuyang may proyekto sa gobyerno. Patuloy ang imbestigasyon ng Comelec sakaling makumpirma ang pagkakasangkot ng iba pang kandidato at kontraktor.