-- ADVERTISEMENT --

Inalis ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla ang mga limitasyon sa publiko sa pagtingin at pagkuha ng Statements of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ng mga opisyal ng gobyerno sa ilalim ng Memorandum Circular 3.

Maaaring humiling ng kopya ng SALN sa mga tanggapan ng Public Assistance and Corruption Prevention Office (PACPO) at Bureau (PACPB) sa regional at sectoral offices, matapos maiproseso ang mga dokumento, hindi bababa sa 10 araw mula sa pagsusumite ng ahensya.

Saklaw din ng memorandum ang lifestyle checks kung saan maaaring magsampa ng reklamo laban sa opisyal kung may ebidensiya ng hindi tugmang ari-arian sa kita.

May mga sensitibong impormasyon na tatanggalin sa kopya tulad ng tirahan, detalye ng mga anak, lagda, at government ID numbers.

Kailangang pumirma ang humihiling ng SALN ng kasunduan na ibahagi ang mga resulta mula sa paggamit nito, at magsumite ng kopya o link ng inilathala sa loob ng limang araw.

-- ADVERTISEMENT --

Ipapatupad ang memorandum 15 araw pagkatapos itong mailathala.Inalis ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla ang mga limitasyon sa publiko sa pagtingin at pagkuha ng Statements of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ng mga opisyal ng gobyerno sa ilalim ng Memorandum Circular 3.

Maaaring humiling ng kopya ng SALN sa mga tanggapan ng Public Assistance and Corruption Prevention Office (PACPO) at Bureau (PACPB) sa regional at sectoral offices, matapos maiproseso ang mga dokumento, hindi bababa sa 10 araw mula sa pagsusumite ng ahensya.

Saklaw din ng memorandum ang lifestyle checks kung saan maaaring magsampa ng reklamo laban sa opisyal kung may ebidensiya ng hindi tugmang ari-arian sa kita.

May mga sensitibong impormasyon na tatanggalin sa kopya tulad ng tirahan, detalye ng mga anak, lagda, at government ID numbers.

Kailangang pumirma ang humihiling ng SALN ng kasunduan na ibahagi ang mga resulta mula sa paggamit nito, at magsumite ng kopya o link ng inilathala sa loob ng limang araw.

Ipapatupad ang memorandum 15 araw pagkatapos itong mailathala.