-- ADVERTISEMENT --

Isinumite na ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa Office of the Ombudsman ang mga dokumento at ebidensiya kaugnay ng imbestigasyon sa umano’y “ghost” flood control projects.

Ayon kay ICI Chair retired Supreme Court Justice Andres Reyes Jr., natapos na ng komisyon ang mandato nito sa ilalim ng Executive Order No. 94 at inirekomenda ang pagwawakas ng operasyon nito sa Marso 31, 2026. Ibinahagi rin ang mga dokumento sa Department of Justice (DOJ) at Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa pagsusuri.

Nakapagpasa ang komisyon ng siyam na referral na sangkot ang 65 indibidwal at bumuo ng mga sistema upang makatulong sa pagtukoy ng pandaraya at iregularidad sa mga proyektong pang-imprastruktura.