-- ADVERTISEMENT --

Pitong Pilipinong seafarer ang nasugatan matapos tamaan ng drone attack ang Malta-flagged vessel na MV San Antonio sa Strait of Hormuz noong Mayo 5, ayon sa Department of Migrant Workers.

Apat sa mga nasugatang Pilipino ang nagtamo ng minor injuries habang tatlo naman ang nasa ICU dahil sa paso at gas inhalation dulot ng pagsabog. Ligtas namang nailikas ang mga tripulante at kasalukuyang ginagamot sa ospital.

Nakikipag-ugnayan na rin ang embahada ng Pilipinas at labor officials upang matiyak ang agarang tulong sa mga seafarer.

Samantala, mahigit 1,400 Pilipinong marino na ang ligtas na nakalabas sa Strait of Hormuz sa gitna ng tensyon sa Middle East. Pinaluwag na rin ng pamahalaan ang crew replacement policy para sa mga seafarer na tapos na ang kontrata o nakararanas ng matinding pagod at stress.