-- ADVERTISEMENT --
CONNECTICUT, USA — Patuloy na pinaghahanap ng mga pulis at animal rescuers ang isang tupang nakatakas ilang sandali matapos itong maiuwi ng bagong may-ari nito noong Nobyembre 9.
Ayon kay Wolcott Police Chief Edward Stephens, nakatakas ang tupa nang buksan ng may-ari ang kulungan nito upang ipakita sa kanyang anak matapos mabili sa isang livestock auction.
Sinubukan ng mga tagapagligtas na akitin ang tupa gamit ang tunog ng umiiyak na batang tupa, ngunit hindi pa rin ito nahuhuli.
Ilang araw na ring walang nakikitang ulat mula sa mga residente tungkol sa kinaroroonan nito.
Ayon sa pulisya, makikilala ang nawawalang tupa dahil mayroon pa itong mga tag sa tainga at asul na marka ng pintura sa ibabang bahagi ng likod nito.
-- ADVERTISEMENT --













