-- ADVERTISEMENT --
Humiling si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court na talikuran ang kanyang karapatang dumalo sa pagdinig para sa kumpirmasyon ng mga sakdal sa Pebrero 23.
Sa liham na may petsang Pebrero 17, iginiit niya na hindi niya kinikilala ang hurisdiksyon ng ICC at binanggit ang edad at kalagayang pangkalusugan bilang dahilan ng hindi pagharap. Nakasaad sa mga patakaran ng ICC na maaaring isagawa ang pagdinig kahit wala ang akusado kung boluntaryo nitong tinalikuran ang karapatang dumalo, basta’t may legal na kinatawan.
Ipinaskil sa website ng ICC ang liham bilang kalakip ng pormal na kahilingan ng kanyang kampo, na pansamantalang naalis bago muling ibalik. Wala pang desisyon ang korte kaugnay ng kanyang kahilingan.













