Nagbitiw sa puwesto si Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Arrey Perez kasunod ng alegasyon ng umano’y koneksyon niya sa isang kontratista, ayon kay Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste.
Tinanggap ni DPWH Secretary Vince Dizon ang hindi na mababawi pang pagbibitiw ni Perez, na namamahala sa Convergence Projects at Technical Services. Kabilang si Perez sa mga bagong opisyal na nanumpa noong Setyembre 29.
Tiniyak ng ahensya na magpapatuloy ang imbestigasyon sa kabila ng pagbibitiw ni Perez. Ayon kay Dizon, ang kampanya ng DPWH laban sa katiwalian ay nakabase sa ebidensya at transparency, at walang sinuman ang sasantuhin.
Inihayag ni Leviste sa isang panayam na may impormasyon siyang si Perez umano ang mamamahala sa procurement ng malalaking proyekto sa central office ng DPWH.