KALIBO, Aklan—Prayoridad sa ngayon ni outgoing Aklan first district board member Nemesio Neron na matutukan ang kaniyang kalusugan.
Sa katunayan aniya ay kasalukuyan siyang nasa Metro Manila para sa kaniyang medical treatment.
Si Neron ay naging 3 termer sa pagka-board member ng Aklan at hindi na siya tumakbo ulit sa kahit anumang posisyon noong nakaraang May 12 midterm election.
Aniya, wala pa siyang desisyon o kahit anumang plano sa ngayon para sa kaniyang political career dahil sa kinailangan nitong matutukan ang kaniyang kalusugan upang makapagpatuloy parin sa kaniyang nakaugaliang pagsisilbi sa publiko kahit na wala na ito sa kahit anumang pwesto sa pulitika.
Dagdag pa ni Neron na depende sa sitwasyon ang kaniyang magiging kapalaran dahil sa nakadepende din aniya sa magiging payo at utos ng kaniyang grupo.
Sa kabila nito, lubos ang kaniyang pasasalamat sa mga Aklanon na nagtiwala sa kaniyang kakayahan na maging miyembro ng Sangguniang Panlalawigan sa loob ng mahabang panahon.
Asahan aniya ng mamamayan na mananatili siyang bukas sa lahat ng mga nangangailangan ng kaniyang tulong katuwang ang kaniyang pamilya.