-- ADVERTISEMENT --

Patay ang isang babae na umano’y natumba at pumailalim sa paparating na pick up truck sa lungsod ng San Jose Del Monte.

Sa report, kinilala ang kalunos-lunos na biktima na nagngangalang Robie, residente ng Brgy. Bigte, Norzagaray.

Ayon sa report, naganap ang insidente bandang 8:30 ng umaga nitong Hunyo 30 sa kahabaan ng Tialo, Brgy. Minuyan Proper.

Sa Facebook post na nag-viral tungkol dito, nakitang bumangon pa ang biktimang halos nangingisay matapos masagasaan ng puting Toyota HiLux at ilang saglit pa ay napahandusay muli sa kalsada.

-- ADVERTISEMENT --

Nabatid na dinala ng mga nag-rescue ang biktima sa kalapit na ospital para sa paunang lunas subalit binawian na ito ng buhay.

May mga netizen na nagsasabing natumba muna ang babae hanggang sa pumailalim at posibleng nasagi umano kaya tumumba at aksidenteng nasagasaan.

Sinusulat ito, wala pang pormal report sa mga awtoridad subalit napagalamang naka flash alarm na ang sasakyan sangkot sa insidente.

Bumuhos ang pakikiramay ng mga netizen na nakakakilala sa biktimang kaka-graduate lamang umano sa kursong civil engineering at nakatakdang mag-exam para maging ganap na inhenyero.