Arestado ang isang lalaking lasing matapos umanong walang habas na nagpaputok ng baril sa lungsod ng San Jose Del Monte .
kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Dro”.
Ayon sa report ng pulisya, naganap ang insidente bandang 10:00 ng gabi sa Brgy. Poblacion.
Nabatid na isinumbong mismo ng kalive-in sa mga pulis ang pagpapaputok ng mister kaya agad rumesponde sa lugar at naaresto kalaunan ang suspek.
Nakumpiska sa suspek ang Caliber .45 Norinco pistol, na kargado ng magazine, 12 bala, isa pang magazine na may 10 bala, fired cartridge case, magazine pouch at holster.
Samantala, huli rin ng pulisya ang isa pang mister na si alyas “Ruel,” na umanoy nanakal at nanakot gamit ang baril sa kanyang asawa bandang 4:00 ng hapon sa Brgy. Sta. Cruz sa naturang lugar.
Nang makarating sa pulisya ang nangyari ay agad silang tumulak sa lugar hanggang sa naaresto ang suspek at nasamsam sa kanya ang cal .38 at isang gun replica.
Nahaharap ang dalawang mister sa kaukulang kaso habang nakakulong sa naturang istasyon ng pulisya.