-- ADVERTISEMENT --

Dinala sa ospital ang tatlong 12-anyos na estudyante matapos silang tamaan ng mga konkretong debris na nahulog mula sa isang condominium building sa Quezon City  Martes ng happon, Agosto 12, 2025.

Ayon sa ulat, dalawa sa mga estudyante ang nasa kritikal na kondisyon matapos silang tamaan sa ulo habang naglalakad sila sa kanto ng Roces at Timog Avenue dakong alas-4:39 ng hapon.

Samantala, nagtamo naman ng mga sugat sa braso ang ikatlong estudyante.

Ayon sa ina ng isa sa mga biktima na naghahanap siya ng doktor na maaaring tumulong sa kanilang anak, na nasa kritikal na kondisyon. Gayundin, ang lolo ng isa pang biktima na nasa kritikal din na kondisyon.

-- ADVERTISEMENT --

Humihingi din sila ng pananagutan mula sa may-ari ng gusali.