-- ADVERTISEMENT --

Patay ang isang miyembro ng LGBTQ community matapos siyang saksakin ng 13 beses sa Lipa City, Batangas.

Noong Hunyo pa lamang ay napanalunan ng 25-anyos na si Jericho Elliorate ang titulong Miss Gay sa Barangay Sampat sa Tanauan.

Siya ay pinatay noong Sabado makalipas ang hating gabi matapos ang isang pagsasama-sama ng mga kaibigan.

Lumabas sa imbestigasyon na sa party niya nakilala ang suspek, na nag-imbita sa kanya na pumunta sa ibang lugar.

-- ADVERTISEMENT --

Sa kuha ng CCTV, nakita si Jericho at ang suspek na bumaba sa isang tricycle. Hindi nakuhanan sa video ang aktuwal na pananaksak, ngunit nakita dito ang pag-alis at pag balik ng suspek sa pinangyarihan ng krimen para kunin ang wallet ng biktima.

Dahil sa CCTV, naaresto ang suspek, na hindi nagbigay ng anumang komento.

Ayon sa pulisya, nagalit umano ang suspek dahil hinawakan siya ng biktima.

Subalit ayon sa kapatid ng biktima na hindi sila naniniwala na hinipuan niya ang lalaki. “Opo bakla po siya pero sensitive po siya. ‘Yung lokohin nga po siya sa ibang lalaki nagagalit po siya e.” Via Remate