-- ADVERTISEMENT --

KALIBO, Aklan — Nasa 95 porsiyento na ang hotel occupancy rate sa Kalibo, batay sa datos na ipinalabas ng Municipal Tourism Office, at halos fully booked na rin ang ilang accommodation establishments, ayon kay Kalibo Mayor Juris B. Sucro.

Kasabay nito, hinihikayat niya ang mga turistang nais makisaya sa Kalibo Sto. Niño Ati-Atihan Festival 2027 na magpa-book at magpa-reserve na ng kanilang matutuluyan.

Samantala, ikinatuwa naman ng alkalde ang matagumpay na pagsasagawa ng opening salvo ng nasabing festival, na dinaluhan ng tinatayang 20,000 katao batay sa crowd estimate ng Kalibo Municipal Police Station (MPS).

Nakiisa at nagpasaya umano sa selebrasyon ang dalawang performers kasama ang bandang 6 Cycle Mind. Paalala sa nito sa publiko na kasabay ng pagsasagawa ng mga nightly merrymaking activities matapos ang Opening Salvo, mahalagang sundin ang mga ipinatutupad na alituntunin upang matiyak ang kaayusan at kaligtasan ng lahat.

Samantala, patuloy rin ang puspusang promosyon ng Municipal Tourism Office upang makahikayat ng mas maraming turista, hindi lamang mula sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.

-- ADVERTISEMENT --

Kabilang dito ang pagdadala ng Provincial Government ng Ati-Atihan Festival sa Taiwan upang ipakilala ang kultura at tradisyon ng Aklan sa mga international audience, kabilang ang mga Filipino community sa ibang bansa na hindi pa nakadadalo sa selebrasyon.

Hinihikayat din ang mga kababayang nasa abroad na umuwi at makiisa sa kapistahan.

Samantala, maraming tribu at grupo na ang nagpahayag ng interes na lumahok sa susunod na Ati-Atihan Festival. Nananatili rin sa ₱1 milyon ang grand prize sa kompetisyon.

Ayon kay Sucro, patuloy na pinagbubuti ng mga kalahok ang kanilang mga costume at performance, kasabay ng patuloy na pagtaas ng antas ng kompetisyon taon-taon.