-- ADVERTISEMENT --

Idineklara ng United Nations na ‘crimes against humanity’ at war crime ang deportasyon at sapilitang paglipat ng mga batang Ukrainian patungong Russia, batay sa ulat ng Independent International Commission of Inquiry on Ukraine.

Tinatayang halos 20,000 bata mula sa Ukraine ang dinala sa Russia at Belarus mula pa noong 2022, karamihan ay mula sa mga rehiyon ng Donetsk at Luhansk.

Noong 2023, naglabas ng arrest warrant ang International Criminal Court laban kay Russian President Vladimir Putin at sa Russian commissioner for children’s rights dahil sa umano’y ilegal na deportasyon ng mga bata.

Ayon sa Ukraine, nasa 2,000 bata pa lamang ang naibabalik sa kanilang bansa mula nang magsimula ang digmaan.