-- ADVERTISEMENT --

NUMANCIA, Aklan — Sugatan ang isang binatilyo matapos barilin habang sakay ng motorsiklo sa Brgy. Bulwang, Numancia, madaling araw ng Linggo, Hulyo 27.

Ang hindi nakilalang salarin ay sinasabing tumakas matapos nga insidente.

-- ADVERTISEMENT --

Batay sa imbestigasyon ng Numancia Municipal Police Station, nakasakay sa motorsiklo ang 16 anyos na biktima nang barilin ng naka-abang na suspek, kung saan, tinamaan ito sa likurang bahagi ng katawan.

Naisugod sa ospital ang binatilyo at patuloy na nagpapagaling sa tinamong mga tama ng bala.

Ilang bala ng shotgun ang nakita sa pinangyarihan ng krimen.

Sa kasalukuyan, masusi pa rin na iniimbestigahan ng pulisya ang insidente at inaasahang maaresto ang suspek sa lalong madaling panahon.

Sinusuri na ng pulisya ang mga footage sa closed circuit television (CCTV) na maaaring makatulong sa imbestigasyon.

Inaalam din ang motibo sa pagbaril sa binatilyo.