-- ADVERTISEMENT --
Nagpapanukala ang transport group na Pasang Masda ng pansamantalang P1 taas-pasahe mula P13 hanggang P14 dahil sa sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng langis.
Ayon kay Obet Martin, presidente ng Pasang Masda, labis silang naapektuhan ng pagtaas ng presyo ng gasolina, diesel, at kerosene, at umaasa silang mauunawaan ito ng Department of Transportation at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Binanggit niya na ang P1 taas-pasahe ay pansamantala lamang at umaasa silang maiintindihan ito ng mga pasahero.
Sa ngayon, wala pang pahayag ang LTFRB hinggil sa panukalang pagtaas ng pasahe.













